Pilipinas bibili ng anti-ship missile system mula sa India
Spread the news on:

Bibili ang Pilipinas ng anti-ship missile system sa India, ayon sa Department of National Defense.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, iginawad ang $375 milyong kontrata sa BrahMos Aerospace upang mag-supply ng onshore anti-ship missile system sa Philippine Navy.

Ang BrahMos ay joint venture sa pagitan ng India at Russia na nag-develop ng cruise missile na, ayon sa India, ay pinakamabilis sa mundo.

Pilipinas ang unang bibili ng naturang system.

“It’s part of our territorial defense,” pahayag ni Colonel Ramon Zagala, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines.

Matagal nang inaasam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng missile system para sa Philippine military sa ilalim ng modernization program nito.

Para sa sandatahang lakas, mahalaga ang pagpapaigting ng defense system ng bansa sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.