OCTA: Posibleng umabot sa 40,000 ang COVID-19 daily cases sa mga susunod na araw
Spread the news on:

Posibleng umabot ang COVID-19 daily cases sa 40,000 sa mga susunod na araw, ayon sa OCTA Research group.

Nasabi ang projection matapos iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong record-high na 37,207 ng bagong  kaso ng COVID-19 kahapon, Biyernes, January 14.

“37,207 new cases today, within error of our blind projected range (35 to 37). This is obviously another new high in cases, and 40k is definitely possible within the next few days,” pahayag ni OCTA Research fellow Guido David sa kanyang Twitter post.

Ayon kay David, sa kasalukuyan ay nasa critical risk ang NCR, Baguio City, Naga City, Angeles City, Santiago, Dagupan at Lucena.

Dagdag ni David, posible namang bumaba ang hawahan sa susunod na linggo sa Metro Manila at ibang bahagi ng Calabarzon kung saan mas maagang nagsimula ang surge.

Habang ang bilang ng mga kaso sa ilang probinsiya ay tataas hanggang sa katapusan ng buwan at magsimulang bumaba sa February.

Sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19, inanunsyo ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang Metro Manila, na epicenter ng local coronavirus outbreak, ay mananatili sa alert level 3 hanggang Jan. 31.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.