“Mystery riders” ide-deploy ng DOTr para sa “no vax, no ride” enforcement
Spread the news on:

(Photo: Christian Heramis)

Magtatalaga ang Department of Transportation (DOTr) ng “mystery passengers” sa public utility vehicles (PUVs) upang siguruhin ang pagsunod sa “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila simula Lunes, Jan. 17.

“[Ito ay] upang masigurado na masusunod itong ating polisiya kahit hindi nakauniporme ang ating mga enforcer,” pahayag ni DOTr Road Transport Sector Assistant Mark Steven Pastor.

Sa ilalim ng order ng DOTr noong Martes, Jan. 11, limitado lamang sa mga fully vaccinated ang makasasakay sa public transportation.

Samantala, hindi rin papayagang makabiyahe ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19 sa mga pantalan sa Metro Manila.

Sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago, ito ay nasa ‘soft implementation’ stage pa lamang buhat noong Huwebes, Jan. 13.

Ang full implementation ay isasagawa rin sa Lunes, Jan. 17.

Dapat magpresenta ang mga manlalakbay ng physical o digital copies ng local government-issued vaccine cards o vaccine certificates na inisyu ng Health Department.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.