Mga balikbayan at long-term visa holders mula sa red list countries puwede nang pumasok sa Pilipinas
Spread the news on:

Papayagan nang makapasok sa bansa ang qualified travelers mula sa red list countries, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

“This would mean that our kababayans who are in red list countries may now fly back to the Philippines via commercial flights without the need to join repatriation or bayanihan flights,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Ngunit nilinaw ni Morente na mananatili pa rin ang general travel restrictions.

“Currently, only Filipinos, balikbayan, and those with long term visas are allowed to enter the country,” ani Morente.

“Those holding tourist visas are still not permitted to enter,” dagdag pa ng opisyal.

Lahat na arriving passengers ay kailangang magpakita ng negative RT-PCR  test sa loob ng 48 oras bago ang kanilang departure.

Dapat ding sumailalim sa testing at quarantine protocols na itinakda ng IATF.

Samantala, inilabas ng IATF ang updated red list ng mga bansa.

Kabilang dito ang Antigua and Barbuda, Aruba, Canada, Curacao, French Guiana, Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain, at US Virgin Islands.

Kabilang naman sa green list ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China, Cote d’Ivoire, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kyrgyzstan, Montserrat, Morocco, Niger, Oman, Pakistan, Paraguay, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor Leste at Uganda.

Napapasailalim naman sa yellow list ang iba pang bansa na hindi nabanggit.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.