Kamara balik-sesyon na sa Lunes, January 17
Spread the news on:

Babalik na ang regular na sesyon ng kamara sa Lunes matapos mapagdesisyunan na huwag nang pahabain ang ipinatutupad na lockdown laban sa COVID-19.

Sinabi ni Secretary General Mark Llandro Mendoza na bubuksan ang Batasan Pambansa complex sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 sa mga mambabatas at congressional staff.

Inilahad ni Mendoza na hindi bababa sa 70 personnel at congressmen ang may aktibong COVID-19 infection.

Lahat ng tauhan at mambabatas na awtorisadong mag-report sa Lunes ay kailangang sumailalim sa antigen tests at papayagan lamang silang pumasok sa kamara kapag nagnegatibo sila sa pagsusuri.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.