Iloilo at Aklan, walang parada sa selebrasyon ng Dinagyang at Ati-atihan Festivals
Spread the news on:

(Photo courtesy: Philtranco FB)

Walang magaganap na mga parada sa Iloilo at Aklan sa paggunita ng kapistahan ng Sto. Nino dahil sa COVID-19 surge sa dalawang lugar.

Ayon sa organizers ng Dinagyang Festival sa Iloilo City at Ati-Atihan Festival sa Kalibo, online activities lamang ang isasagawa para maiwasan ang mass gathering na maaaring makadagdag sa tumataas na virus infections.

Ang Dinagyang at Ati-Atihan ay ilan lang sa festivals tuwing January na dinarayo ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinabi ni Ronald Sebastian, presidente ng Iloilo Festivals Foundation, na sa kabila ng pandemya, umisip sila ng mga paraan para ipagdiwang pa rin ang Dinagyang Festival.

Ngayong taon, ang pitong Ati tribes na maglalaban sa street dancing ay magiging pre-recorded ang performance at ivi-video stream sa January 23, ang huling araw ng festival.

Kanselado rin ang food at music festivals.

Samantala sa Kalibo, ang pista ng Ati-atihan ay gugunitain sa pagsasagawa ng Misa ngayong Linggo, January 16, sa Cathedral of St. John the Baptist.

Ang sikat na “sadsad” o street dancing activity ay tinanggal din maging ang food at Ati-atihan bazaar.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.