COVID-19 vaccination pinasimple at pinabilis na ang proseso
Spread the news on:

(File photo)

Pinasimple at pinabilis ng gobyerno ng Pilipinas ang proseso sa COVID-19 vaccination sa gitna ng nararanasang COVID-19 surge.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, papayagan na ang walk-ins sa lahat ng vaccination sites, at babawasan ang health screening.

“Hindi na po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension o may sintomas ng hypertension at iba pang konsiderasyon na nakabase sa clinical judgement ng doktor sa vaccination site,” pahayag ni Nograles sa press briefing.

“Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan,” dagdag ni  Nograles.

Ayon pa sa kalihim, ang medical documents ay required lamang sa mga indibidwal na may autoimmune disease, HIV at cancer, kung ang pasyente ay bedridden, sumailalim sa organ transplant o binibigyan ng steroid treatments.

“Mas maluwag na po ang requirements para dito, kaya huwag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo,” saad ni Nograles.

Dahil dito, muling ipinanawagan ni Nograles sa lahat na makiisa.

“Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. Let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated,” paliwanag ng opisyal.

Tinatayang pumalo na sa 54.4 milyon ang fully vaccinated sa bansa, habang 4.4 milyon na ang nakatanggap ng booster shots.

Nitong Biyernes, Jan. 14, sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) record-breaking ang naitalang single-day tally ng COVID-19 new cases na umabot sa 37,207.

Pumalo na sa 3,129,512 ang kumpirmadong nagkasakit mula nang pumutok ang pandemya noong 2020.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.