Community transmission ng Omicron variant sa NCR kinumpirma ng DOH
Spread the news on:

Kinumpirma ng Department of Health (DOH), Sabado, Jan. 15, ang nangyayaring community transmission ng Omicron variant ng coronavirus sa National Capital Region.

“We are seeing community transmission dito sa NCR ng Omicron variant. Bagama’t hindi nakakahabol ang ating whole genome sequencing, we already have determined that there are local cases already,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.

“Sa nakikita nating trend ngayon, ito po ang charactheristic talaga ng Omicron variant: ‘yung mabilis na pagkalat, ‘yung very steep rise in the number of cases, ‘yung doubling time na every two days na napakabilis, ito po lahat ay characteristics ng Omicron variant,” paliwanag ni Vergeire.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na tumataas na ang COVID-19 cases sa iba pang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.

Aniya, sakaling magpatuloy pa ito maaaring mapalitan ng Omicron ang Delta bilang dominanteng variant ng COVID-19 sa bansa.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.