Bagong all-time high na 39,004 COVID-19 cases naitala ng Pilipinas ngayon Jan. 15
Spread the news on:

Record-breaking na naman ang bilang ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 39,004 ngayon, Sabado, January 15.

Ito na ang pinakamaraming kasong naitala simula nang pumutok ang pandemya noong 2020.

Halos dalawang libo ang nadagdag sa bilang ng kaso ngayong Sabado mula sa bilang kahapon, Jan. 14, na 37,207.

Dahil dito, umakyat na sa 3,168,379 ang kabuuang kaso ng kumpirmadong nagkasakit sa bansa dahil sa COVID-19.

Pumalo naman sa 280,813 o 8.9% ang aktibong kaso o mga nahawahan ng virus.

Naitala naman ang 23,613 na gumaling na may kabuuang bilang na 2,834,708 o 89.5%.

Habang may 43 na namatay kung saan umakyat ang kabuuang bilang sa 52,858 o 1.67%.

Ayon sa DOH, may positivity rate na 47.1% mula sa nakuhang samples ng 78,774 indibidwal noong Jan. 13.

8 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kasong naitatala kada araw, paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng gobyerno.

Ito ay ang pagsusuot ng face mask, physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Payo pa ng kagawaran, sa oras na makaramdam ng sintomas agad na mag-isolate at magpa-test.

Magpabakuna rin para makakuha ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Samantala, kinumpirma ng DOH na may community transmission na ng Omicron variant sa National Capital Region (NCR).

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.