Panibagong all-time high na 37,207 Covid-19 cases, naitala ng Pilipinas ngayong araw, January 14.
Spread the news on:

Record-breaking na naman ang bilang ng mga panibagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH)—37,207 na karagdagang kaso ngayong January 14.

Nadagdagan pa ng mahigit tatlong libo ang kaso ngayon kumpara kahapon na 34,021.

Ito na ang pang-apat na araw na record-high at pinakamaraming kasong naitala simula nang pumutok ang pandemya noong 2020.

Dahil dito, umakyat na sa 3,129,512 ang kabuuang kaso ng nagkasakit sa bansa dahil sa Covid-19.

Sa mga bagong kaso na naitala ngayong araw nasa 98 porsyento ang mula sa 14 araw kung saan ang National Capital Region (NCR) ay may 16,824 cases, sinundan ito ng Calabarzon na 8,580 cases at Central Luzon ay may 4,052 cases.

Nasa 265,509 o 8.5% ang aktibong kaso o nahawaan ng virus.

Naitala naman ang 9,207 na gumaling na may kabuuang bilang na 2,811,188 o 89.8%.

81 naman ang namatay na pumalo na ang kabuuang bilang sa 52,815 o 16%.

Ayon sa DOH, may positivity rate na 47.3% mula sa nakuhang samples ng 81,737 indibidwal noong January 12.

Lahat naman ng mga laboratoryo ay operational noong January 12, 2022.

Pero walong laboratoryo pa rin ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, ang Intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa Metro manila ay 55 porsyento at nasa 46 porsyento naman nationwide.

Sa kabila ng mataas na bilang ng kasong naitala, mananatili sa alert level 3 ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa hanggang Jan. 31, ayon sa Malacanang.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.