Klase sa NCR suspendido na mula Jan. 15 hanggang 22
Spread the news on:

(File photo)

Sinuspinde na ng Department of Education (DepEd) National Capital Region ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila mula January 15 hanggang 22, 2022 sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Batay sa memorandum ng DepEd, ang klase sa NCR ay magbabalik sa January 24 hanggang 29 sa pamamagitan lamang ng distance learning modalities.

“For the duration of the suspension of classes, it is expected that physical reporting of teachers will be not required by the school heads,” batay sa memo.

Pero paliwanag ng DepEd-NCR, gagamitin ng mga estudyante ang kanilang “midyear break” mula January 31 hanggang February 5 para makabawi sa mga nawalang klase.

Kasabay nito, maging ang DepEd Calabarzon ay nagsuspinde na rin ng klase sa lahat ng grade levels mula January 17 hanggang 29.

Sa memorandum, suspendido ang lahat ng aktibidad, pisikal man o virtual.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.