Kampo ni VP Leni Robredo, nanguna sa Facebook pol ads spending ayon sa report ng PCIJ
Spread the news on:

Nanguna ang kampo ni VP Leni Robredo sa mga top advertising spender sa Facebook sa mga presidential aspirant, base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Ayon sa report, mula nang i-activate ang transparency tool ng Facebook noong Aug. 4, 2020, nakagasta na ang kampo ni Robredo ng P14.1 million hanggang Dec. 31, 2021.

Kumakatawan umano ito sa 12% ng kanyang total spending para sa political adverts sa traditional media gaya ng tv, radyo at dyaryo, mula January hanggang September 2021 na umabot na sa P120 million.

“We have to maximize our online presence. The fact of the matter is we really have a lot of ground to make up for,” ayon sa tagapagsila ni Robredo na si Barry Gutierrez, sa kanyang panayam sa PCIJ.

Nilinaw din ni Gutierrez na ang mga advert ay ginastusan ng mga volunteer ni Robredo na nakikipag-ugnayan sa kanilang campaign team.

“The campaign itself has not actually spent anything on ads. [They] were actually paid for by volunteer groups,” ayon pa kay Gutierrez.

Samantala, ang survey front-runner na si Ferdinand Marcos Jr. ay walang iniulat na Facebook advert spending.

Ang kampo naman ng isa pang presidential aspirant, si Sen. Panfilo Lacson, gumasta na ng P5.36 million habang si Manila mayor Isko Moreno, P2.28 million.

Si Sen. Manny Pacquiao naman, wala pang P1 million ang naiulat na Facebook advert spending, at si labor leader Leody de Guzman, P11,000.

(NP)

(Inforgraphic courtesy: PCIJ)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.