Drive-thru booster shot sa Maynila, 24/7 na
Spread the news on:

(Photo: Christian Heramis; pila ng mga sasakyan sa driv-thru vaccination sa Quirino Grandstand, Manila)

Bukas na 24/7 ang operasyon ng drive-thru vaccination para sa booster shot sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ang booster vaccination sites ay umarangkada kahapon ng umaga kung saan maagang pumila ang mga nais magpabakuna ng booster shot.

Sa halip na hanggang alas-8:00 lamang ng gabi ang schedule ng booster shot sa drive-thru ay ginawa na itong magdamagan o 24/7 upang ma-accomodate pa ang karamihan na nagtiyagang pumila simula pa lamang ng umaga.

Noong una ay sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hanggang maximum na lima ang maaaring bigyan ng booster kada sasakyan.

Pero ngayon ay wala nang limit sa bilang ng tao basta nasa loob ng 4-wheel vehicle.

Kabilang sa 4-wheel vehicle na maaaring pumila ay ang private car, van, jeep o taxi.

Kahit hindi taga-Maynila ay pwedeng magbakuna rito.

Dalhin lamang ang vaccination cards na patunay na nakatapos na ng first dose at second dose, at kailangan pa ring magrehistro sa manilacovid19vaccine.ph para makuha ang QR code.

Ang available naman na brand ng bakuna sa drive-thru site ay Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Sinovac.

Bukod sa drive-thru vaccination, meron rin bakunahan sa mga barangay, malls at iba pang lugar sa Maynila.

(Jocelyn Domenden)

(Photos: Christian Heramis)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.