Bar exams 2022, inusod sa February 4 at 6
Spread the news on:

Inusod ng Korte Suprema ang petsa ng pagdaraos ng bar exams ngayong taon.

Imbes sa nauna nang naihayag na January 23 at 25, gagawin na ang pagsusulit para sa mga susunod na abogado sa February 4 at 6, 2022.

Binatay ng Korte Suprema ang desisyon sa isinagawang email survey ng may 8,500 bar examinees.

Lumabas sa survey na 16.8% sa kanila ay positibo sa COVID-19, may kasama sa bahay na positibo o kaya ay naka-quarantine na dahil na expose sa COVID-19 positive na pasyente.

“They are at risk of not being able to take the Bar Examinations if the original schedule… were to push through,” base sa pahayag ng Korte Suprema.

Dahil din umano sa kasalukuyang infection rate, maging mga staff ng korte ay kulang para umasiste sa bar exams.

Nauna nang inigsian ng Korte Suprema ang pagdaraos ng bar exams sa dalawang araw mula sa dating apat na Linggo.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.