64 election gun ban violators arestado
Spread the news on:

Umabot na sa 64 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa gun ban ngayong election period.

Nakumpiska ng mga otoridad ang walong firearms, kabilang ang apatnaput-tatlong bala, anim na deadly weapons at dalawang pang items.

Ayon sa PNP, ang mga naaresto ay mula sa Quezon City, Antipolo, Pasay, Pasig, Dasmariñas, Tarlac, Saranggani, Masbate, Lipa, Cebu, Olongapo, Negros Occidental, Bulacan, Zamboanga at Abra.

Ipinalabas ng Commission on Election ang Resolution No. 10728 na nagbabawal sa pagdadala ng firearms o deadly weapons sa labas ng bahay at sa lahat ng pampublikong lugar mula January 9 hanggang June 8.

Tanging mga alagad lamang ng batas ang hindi kasali sa gun ban basta’t may authorization mula sa Comelec at suot ang kanilang agency-prescribed uniform habang isinasagawa ang tungkulin.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.