Roosevelt Avenue sa QC tatawagin nang Fernando Poe Jr. Avenue
Spread the news on:

Magiging Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue na ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa pagpapalit ng pangalan ng kalsada bilang pagkilala sa namayapang “King of Philippine Movies.”

Sa bisa ng Republic Act 11608, ipinag-uutos sa Department of Public Works and Highways na magpalabas ng panuntunan para ipatupad ang batas sa loob ng 60 araw mula sa effectivity date nito.

Labis namang ikinatuwa ng pamilya Poe ang nasabing batas, partikular na ang anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe.

“FPJ Avenue gives my father’s works and legacy a sense of place in our nation’s history,” ayon sa senadora.

“Nawa’y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan,” dagdag ni Poe.

Lumabas si FPJ sa mahigit 300 action films sa kanyang movie career na tumagal nang halos limang dekada.

Noong 2012, idineklara ni dating Pangulong Noynoy Aquino si FPJ bilang national artist.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.