Ulat ng hacking sa Comelec files, pinaiimbestigahan ni Sen. Tolentino
Spread the news on:

Pinaiimbestigahan ni senator Francis Tolentino sa senado “in aid of legislation” ang sinasabing hacking na nangyari sa sensitibong data ng Comelec.

Ito umano ay dahil maaari itong makaapekto sa May 2022 election.

Sa kanyang isinumiteng resolusyon, gusto ni Tolentino na atasan ang Committee on Electorial Reforms and People’s Participation na pinamumunuan ni senator Imee Marcos na mag-imbestiga sa naturang “hacking incident.”

Ayon kay Tolentino, nakasaad sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na kailangang maprotektahan ang integridad ng computer and communication systems, networks, database, confidentiality at availability ng information at data na nasa system.

Dapat itong maprotekhan laban sa maling paggamit, pang-aabuso abuse at illegal access.

May karampatang parusa naman para sa mga lalabag rito.

Samantala, bagama’t  Comelec at DICT ang maaaring opisyal na magkumpirma o mag-deny kung na-hack nga ba o hindi ang sistema ng Comelec, sinabi naman ni presidential aspirant senator Panfilo Lacson na nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang kanilang in house Comelec-accredited cyber security team.

“Comelec should clarify the veracity of the hacking incident and be forthright with its findings. More importantly, it should be open to letting experts and related stakeholders help strengthen the security system – including our cybersecurity experts and those of other aspirants. Only through transparency and accountability can we guarantee the integrity of the upcoming elections,” sabi pa ni Lacson.

Bagama’t limitado aniya ang access ng naturang team, sinabi ni Lacson na inutusan niya ito na kunin ang lahat na makakalap nilang impormasyon.

Mahalaga aniyang malaman kung sino ang responsable o nasa likod ng hacking para malaman ang motibo at sino ang magbebenepisyo sa ginawa nito.

“Our elections on May 9 could not have come at a more critical time. This is not just about the individual candidates, but about upholding our democracy which, if the hacking turns out to be true, is gravely being threatened,” dagdag pa ni Lacson.

Ayon kay Lacson, hinihintay nila ngayon ang tugon ng taong nagsabi na magpapakita ng pruweba at magpapatunay sa alegasyon ng hacking.

Una nang sinabi ng Comelec na bini-verify na nila ang report ng isang pahayagan tungkol sa umano’y pag-hack at pag-download ng aabot sa 60 gigabytes na Comelec data na sinasabing magko-kompormiso sa integridad ng 2022 elections.

Iniulat ng Manila Bulletin kahapon, Jan. 10, na napasok ng hackers ang Comelec servers at ninakaw ang files kabilang ang usernames at PIN ng vote-counting machines (VCM).

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.