Puso ng baboy tagumpay na nai-transplant sa tao sa US
Spread the news on:

Matagumpay na nai-transplant ng mga doktor ang genetically-modified na puso ng baboy sa isang tao sa Amerika, ayon sa University of Maryland Medical School.

Kasalukuyang mino-monitor ang 57 taong gulang na pasyenteng si David Bennett.

“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,” ayon kay Bennett bago ang operasyon.

Ayon sa medical school, indikasyon ito na maaaring magamit ang ang puso ng hayop para sa human transplants.

(In photo: Pig heart transplant sa pasyenteng si David Bennett sa University of Maryland Medical Center, Jan. 7, 2022. via The Baltimore Sun)

Ilang buwan ding bedridden at nakakabit sa life support machine ang pasyenteng si Bennett.

Ayon sa mga doktor, hindi siya maaaring sumailalim sa conventional transplant, kaya ginamit ng mga surgeon ang puso mula sa baboy.

“This was a breakthrough surgery and brings us one step closer to solving the organ shortage crisis,” ayon kay Dr. Bartley Griffith, ang nagsagawa ng transplant.

“We are proceeding cautiously, but we are also optimistic that this first-in-the-world surgery will provide an important new option for patients in the future.”

(In photo: Heart transplant patient na si David Bennett, right, kasama si Dr. Bartley Griffith. via The Baltimore Sun)

Bago i-transplant ang puso ng baboy, isinailalim ang organ nito sa genetic editing upang matiyak na hindi ire-reject ng katawan ng tao.

Ayon sa datos, aabot sa 110,000 Americans ang nakapila para sa organ transplant at mahigit 6,000 ang namamatay kada taon dahil hindi makakuha ng human donor.

Ayon sa mga doktor, ideal donors ang mga baboy dahil sa bilis ng kanilang paglaki.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.