May dagdag-singil ulit sa presyo ng produktong petrolyo, bukas, Martes, January 11.
Magkakaroon ng dagdag na P1.10 kada litro sa diesel, nasa P0.75 ang dagdag-singil kada litro sa gasolina at may karagdagang P0.90 kada litro sa kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong tumaas ang presyo ng petrolyo.
Nauna nang nagpahayag ng dagdag-singil ang mga kumpanyang Caltex, Seaoil, Pilipinas Shell, PetroGazz at Cleanfuel.
Ipatutupad ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo simula mamayang 12:01 ng hatinggabi, may ilang kumpanya na 6:00 ng umaga at mayroon naman bandang 4:01 ng hapon.
Ayon sa Department of Energy (DoE), ang bagong dagdag-singil ay dulot ng pagtaas ng presyo sa world oil market at ang pagbaba ng palitan ng peso sa US dollar.
Umabot na sa $81 kada bariles ang presyo ng International Benchmark Brent Crude habang ang Dubai Crude ay $80 hanggang nitong January 7.
(NP)
Leave a Reply