DOTR: Metro Manila Subway Project, sinisimulan na matapos ang 40 taon
Spread the news on:

(Photo courtesy: Sec. Art Tugade FB)

Matapos ang mahigit 40 taon, sinisimulan na ang konstruksyon ng itinuturing na “Largest Infrastructure”  project sa bansa –ang Metro Manila Subway Project.

Ito ang kauna-unahang underground mass transport system sa bansa.

Ang subway sa Metro Manila ay plinano at iminungkahi noon pang 1973 sa Urban Transport Study sa Manila Metropolitan Area (UTSMMA).

Samantala, nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong June 2016, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay wala pang  kumpletong feasibility study, walang NEDA approval, walang financier at wala kahit isang kontrata.

Ibig sabihin sa nakalipas na 4o years at 6 na administrasyon ay panay usapan, proposal, plano , pag-aaral, drawing at powerpoint presentations pa lang ang natapos.

Sa ngayon, ang MMSP ay aprubado na ng NEDA Board, pinondohan ng Japan, may partial operability civil works, trains at electromechanical systems.

Sinimulan ang konstruksyon ng design-build contractor sa site nito sa MMSP Valenzuela Depot noon pang 2019.

Noong February 2021, dumating ang dalawa sa 25 humungous Tunnel Boring Machines (TBM) na gagamitin sa proyekto.

Nitong November 21 naman ay nasa 25.09% ang progress rate ng nasabing proyekto.

Kapag gumana na ang Metro Manila Subway Project, bibilis ang biyahe mula Quezon City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 35 minuto na lamang mula sa dating isang oras at 10 minuto.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.