RT-PCR test required muli sa Boracay
Spread the news on:

(File photo)

Kailangan muling magpakita ng negative RT-PCR test result kung pupunta sa Boracay sa Aklan, kahit pa fully vaccinated na.

“Kahit may vaccination card, kailangan pa rin iyong RT-PCR test na negative result within 72 hours before departure,” ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista sa panayam ng DZMM TeleRadyo.

Sa ulat ng abs-cbn.com, nilagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang executive order at ipatutupad simula Linggo, Jan. 9, 2022.

Ayon kay Bautista, ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang mas mahabang oras ng curfew mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.

Nilimitahan din ang oras ng negosyo mula 5 a.m. hanggang 9 p.m.

Nito lamang Nobyembre nang alisin ang RT-PCR test requirement sa para sa mga turistang fully-vaccinated na pupunta sa Boracay.

Ipinatupad ang bagong paghihigpit na ito sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.