Pia Wurtzbach, nagpositibo sa COVID-19
Spread the news on:

(Photo credit: Pia Wurtzbach IG @piawurtzbach)

Nagpapagaling na ngayon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos magpositibo sa COVID-19 habang nagbabakasyon sa UK.

Sa kanyang instagram post, binunyag ni Pia na nagpositibo siya nitong nakaraang holiday season.

Ito’y kahit pa fully vaccinated na siya at nabigyan na rin ng booster shot.

“Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste,” ayon kay Pia.

Sa ngayon, isang araw na lang ang tatapusin ni Pia, at ng kanyang kapatid na si Sarah na nagpositibo rin, sa kanyang quarantine.

Negatibo na rin sila sa COVID-19 sa huling test na ginawa sa kanila.

Nagpapasalamat si Pia na hindi nahawa sa kanilang magkapatid ang kanilang mga magulang.

Nanawagan din ang beauty queen sa publiko na patuloy na mag-ingat laban sa COVID-19.

“Please take this seriously cos anyone can get it no matter how healthy you are. Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it,” saad ni Pia.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.