Pilipinas, bibili ng COVID anti-viral treatment drug mula sa Pfizer
Spread the news on:

Bibili ang Pilipinas ng COVID-19 oral anti-viral treatment na Paxlovid na gawa ng Pfizer.

Ayon kay health secretary Francisco Duque III, nagsimula nang makipag-ugnayan ang Pilipinas sa Pfizer hinggil dito.

Kanina, nagpulong ang mga kinatawan ng Dept. Of Health, Pfizer at si Philippine ambassador sa US, Jose Manuel Romualdez, para talakayin ang procurement ng Paxlovid.

“Positibo naman ang kinalabasan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa ambassador at sa Pfizer representatives kaning umaga,” saad ni Duque sa isang virtual briefing pagkatapos ng pulong.

Ayon pa kay Duque, isa sa punto na tinalakay nila ay ang “pinakamabilis na paraan na maka-secure tayo ng treatment course na Paxlovid.”

Ang Paxlovid ay kumbimasyon ng dalawang pildoras na iniinom sa loob ng limang araw.

Napatunayan sa clinical trials na ligtas at binabawasan ng Plaxovid ang pangangailangang ma-ospital ang isang nagka-COVID, pati na ang pagkamatay.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.