PATAFA: Obiena, kakasuhan ng estafa
Spread the news on:

Sasampahan ng kasong estafa ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Olympic pole vaulter na si EJ Obiena.

Inihayag ito ng PATAFA matapos ilabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa diumano’y hindi pagbabayad ni Obiena sa kanyang coach pati na ang pamemeke ng liquidation documents.

Sa imbestigasyon ng PATAFA, natuklasan nilang hindi ginamit nang tama ni Obiena ang 61,026.80 euros (P3,661,608) na ibinigay ng PATAFA at ng Philippine Sports Commission para pambayad sa coach niyang si Vitaly Petrov.

Maging ang ina ni Obiena na si Jeanette, dating PATAFA auditor, natuklasang nag-misappropriate din umano ng halagang P624,116.76 kaugnay pa rin sa coaching fee.

Dahil sa findings na ito, inirekomenda ng PATAFA Investigative Committee na alisin na sa national training pool si Obiena.

Balak din ng PATAFA na sampahan ng estafa si Obiena. Maging ang kanyang coach na si Petrov ay irereklamo rin umano ng PATAFA sa World Athletics dahil sa paglabag sa Integrity Code of Conduct.

Ang report ng PATAFA Investigative Committee ay nakatakdang isumite sa PSC at sa Commission on Audit.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.