Batasang Pambansa, sarado dahil pa rin sa COVID-19
Spread the news on:

Isinara ang Batasang Pambansa dahil sa paglobo ng COVID-19 cases sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, ipinatupad ito upang maiwasan ang hawahan ng Omicron variant sa mababang kapulungan ng kongreso at matiyak ang kaligtasan ng House members, secretariat, at iba pang empleyado.

“The HOR is on lockdown to prevent the spread of Omicron. We will resume operations next week for the safety of everyone,” ani Mendoza.

Sa ngayon ay wala pang update sa bilang ng COVID sa kanilang pamunuan bagaman may mga report na may ilang empleyado na ang nagpositibo sa virus.

Ang Metro Manila, Cavite at Bulacan ay nasa ilalim ng alert level 3.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.