Roxas Blvd, tatlong buwang isasara sa  motorista
Spread the news on:

Nakatakdang isara sa mga motorista ang southbound lane na bahagi ng Roxas Boulevard sa loob ng tatlong buwan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ulat, kukumpunihin ng Department of Works and Highways (DPWH) ang nasirang drainage sa tapat ng Libertad pumping station sa Pasay City.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, kinausap na niya ang opisyales ng DPWH, Department of Transportation (DOT), Philippine Ports Authority and International Container Terminal Services Inc. para pag-aralan ang posibleng solusyon at alternatibong ruta para sa trucks at trailers na apektado ng pagsasara ng daan.

“One of the possible solutions that we are looking at is for the shipping containers to be carried on barges and transported from the MICT going to the Cavite Gateway Terminal in Barangay Tanza,” pahayag ni Abalos.

“We are studying all options to alleviate traffic gridlocks it would generate,” dagdag ni Abalos.

Wala pa namang itinakdang araw para sa pagsasara ng naturang kalsada.

Samantala, aabot sa 53,000 sasakyan ang maaapektuhan ng nasabing pagkumpuni kasama na ang cargo trucks.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.