PRC, tiniyak na may supply ng dugo bago pa nanalasa ang bagyong Odette
Spread the news on:

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC)  na mayroong suplay ng dugo bago pa man manalasa ang bagyong Odette.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon, ang pangangailangan ng dugo ay hindi natatapos.

Ang red cross ay isa rin sa nangunguna sa pagresponde sa mga lugar  na sinalanta ng bagyo.

Ang PRC ay ang pangunahing responders sa bawat sakuna at emergency, bukod pa sa pagsisigurong may dugong maibibigay sa mga angangailangan.

Ang PRC ay may  1,540 volunteers sa ground na ngayon ay namamahagi ng hot meals at ibang relief items.

Nagbibigay din sila ng psychosocial support, first aid, hygiene kits at nagsasagawa rin ng  search and rescue operations.

“The Red Cross is unstoppable; despite the ongoing pandemic and our Odette operations, we will continue to be at the forefront of providing aid to the most vulnerable, especially during emergencies. But it doesn’t end there, we will also continue with all our regular services as the need for blood never stops,” ayon kay Gordon.

Kasabay nito, inihanda ng PRC ang mga blood facility nito bago pa man mag-landfall ang super typhoon.

Ayon sa PRC Blood Services, nakapagpadala sila ng kabuuang 220 units ng blood supply sa mga sumusunod na pasilidad ng blood service ng PRC Chapter; 155 units ng dugo sa PRC Cebu, 50 units ng dugo sa PRC Lapu-Lapu at 15 units ng dugo sa PRC Negros Oriental.

Samantala, ang PRC Palawan ay nakapag-supply na ngayon sa walong government at private hospitals sa lalawigan na nagbibigay ng mahigit 127 units ng dugo.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.