BRP Ang Pangulo, ginawang floating hospital sa Siargao Island
Spread the news on:

(Photo courtesy: Screengrab from PTV FB/Ilang residente ng Siargao island ang binibigyan ng atensyong medikal ng Medical Team ng BRP ang Pangulo ng Philippine Navy.)

Ginagamit bilang floating hospital ang barkong BRP Ang Pangulo ng Philippine Navy para sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Odette sa Siargao Island.

Libreng  nagbibigay serbisyo ang medical teams mula sa Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines sa Eastern Mindanao Command.

Hanggang kahapon, December 25, mahigit sa tatlumpung residente na ang nabigyan ng atensyong medikal.

Kabilang sa mga na-admit ang isang nakaranas ng hypertension at isang nagka-diarrhea, pero parehong nakauwi na rin.

Ang kawalan ng malinis na inuming tubig sa isla ng Siargao ang dahilan kaya marami sa mga nasalanta ng bagyong Odette ang naiulat na nao-ospital dahil sa diarrhea.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.