Dinosaur embryo fossil, natagpuan sa China
Spread the news on:

Nadiskubri ng mga Chinese scientist ang isang fossilized dinosaur embryo na tinatayang humigit-kumulang 66 milyong taon nang na-preserve.

Ayon sa report ng AFP news agency, ang fossilized dinosaur embryo na natagpuan sa Ganzhou sa Southern China ay isang theropod dinosaur o oviraptorosaur na pinangalanan nilang “Baby Yingliang.”

“It is one of the best dinosaur embryos ever found in history,” ayon kay University of Birmingham researcher Fion Waisum Ma.

Ang mga oviraptorosaur, na ibig sabihin ay “egg thief lizards”, ay uri ng dinosaur na may balahibo gaya ng mga ibon at nabuhay sa Asia at North America noong “late cretaceous” period.

Sa pagsusuri ng mga researcher, ang posisyon ng fossil ng dinosaur embryo ay katulad sa mga ibon sa loob ng itlog bago mapisa.

“This indicates that such behaviour in modern birds first evolved and originated among their dinosaur ancestors,” sabi ni Ma.

Ayon pa sa mga researcher, posibleng isang mudslide ang nagbaon sa fossil at naprotektahan ito laban sa mga posibleng scavenger.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.