Harry Potter and friends, balik-Hogwarts sa Jan. 1, 2022
Spread the news on:

(Photo courtesy: Screengrab HBO Max FB)

Inilabas na ang official trailer ng upcoming “Harry Potter 20th Anniversary: Return to Hogwarts”.

Ipinakita sa trailer ang reunion ng Harry Potter stars na sina Daniel Radcliffe, Rupert Grint at Emma Watson kasama ng iba pang cast at filmmakers makalipas ang sampung taon mula nang ipalabas sa mga sinehan ang “Harry Potter and the Deathly Hallows.

Bumalik sila sa Hogwarts, sa kanilang set sa London kung saan unang ginawa ang pelikula.

“It feels like no time has passed,” pahayag ni Watson.

“I think it’s the perfect time to sit down with everyone and reminisce,” pahayag ni Grint.

“The thing that scraed me the most was the implication that the most meaningful thing in our life is done and there’s something so joyous about seeing everyone and be like,” pahayag ni Radcliffe.

Ang reunion special ay bahagi ng Harry Potter franchise’s 20th anniversary celebration.

Ang Harry Potter ay film series na hango sa  pitong fantasy novels na isinulat ng Brittish author na si J. K. Rowling.

Umikot ang istorya sa buhay sa batang wizard ba si Harry Potter at mga kaibigan niyang sina Hermione Granger at Ron Weasley.

Lahat sila ay estudyante sa Hogwarts School Of Witchcraft and Wizardy.

Unang inilabas ang pelikula noong 2001 at noong 2010 naman napanood ang huling series.

Ipapalabas ang Return to Hogwarts sa January 1 sa streaming platform ng HBO Max.

Mapapanood naman ito ng mga Pinoy fans sa HBO Go.

Panoorin ang trailer. I-click ang link:

https://fb.watch/a1m6tT5doM/

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.