Dagdag-singil ulit sa presyo ng produktong petrolyo, bukas, Dec. 21
Spread the news on:

Dagdag-singil ulit sa presyo ng produktong petrolyo ang sasalubong bukas, Martes, Dec. 21, sa mga motorista.

May karagdagang P0.55 kada litro sa presyo ng diesel, nasa P0.55 din kada litro ang dagdag sa gasolina at dagdag-singil na P0.70 kada litro sa kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng December.

Nauna nang nagpahayag ang kumpanyang Caltex at Phoenix na walang magaganap na dagdag-singil sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.

Samantala, ipatutupad ng mga oil companies ang oil price hike simula mamayang 12:01 ng hatinggabi, susundan ito ng 6:00 ng umaga at 4:01 ng hapon.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.