Cebu broadcaster, pinagbabaril habang nakasakay sa jeepney
Spread the news on:

(File photo: Rico Osmeña)

Mariing kinondena ng Malakanyang at ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pamamaril sa radio blocktimer at national broadsheet correspondent na si Rico Osmeña ng Cebu City.

Nangyari ang pamamaril kahapon ng tanghali, Dec. 16, habang sakay ng pampasaherong jeepney si Osmena.

Ayon sa mga otoridad, sakay sa modernized public utility jeepney si Osemna nang sumakay din ang nag-iisang salarin sa sasakyan at siya ay pinagbabaril sa M.J. Cuenco Avenue.

Dagdag pa ni Major Edgar Labe, hepe ng Waterfront Police Station na isang babaeng pasahero ang tinamaan ng ligaw na bala.

Sina Osmeña at ang babaeng tinamaan ng ligaw na bala ay kapwa isinugod sa ospital at patuloy na nagpapagaling.

Sinasabing galing si Osmeña radio station dyLA kung saan ay host siya ng programang “Karon Sugbo.”

Ilang araw bago ang krimen, isiniwalat ni Osmeña sa kanyang programa na nakatatanggap siya ng pagbabanta sa buhay.

Hindi niya tinukoy kung sino ang nagbabanta sa kanya.

Ini-report umano niya ito sa National Bureau of Investigation.

Bukod sa radyo, si Osmeña ay correspondent din ng Daily Tribune sa probinsiya.

Sinisiyasat na ng pulisya ang krimen para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, maging ang motibo sa likod ng krimen.

Ayon sa Presidential Taskforce on Media Security (PTFoMS), gayong hindi pa tukoy ang motibo ng pamamaril, itinuturing na nila itong konektado sa trabaho ni Osmena.

“The Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) condemns the attack on Rico Osmeña. I have already asked the Philippine National Police (PNP) Regional Office to use all available manpower and resources to find and apprehend the perpetrators of this cowardly act,” ayon kay Usec. Joel Sy Egco, Executive Director of PTFoMS.

Mariin ding kinonenda ng NUJP ang pinakahuling karahasang ito laban sa isang kawani ng media.

“Whether or not work-related, this attack sets a chilling precedent to what awaits the free press on what are usually the most dangerous months for truth-tellers in the country,” ayon sa pahayag ng NUJP.

(Toni Tambong/NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.