15 national roads, sarado sa mga motorista dahil sa pinsala ng bagyong Odette
Spread the news on:

Hindi madadaanan ng motorista ang 15 national road section bunsod ng idinulot na pinsala ng bagyong Odette.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Acting Secretary Roger G. Mercado, ang mga saradong kalsada na iniulat mula sa DPWH Bureau of Maintenance, ay  naitala sa dalawang (2) seksyon ng kalsada sa Rehiyon 7, lima (5) sa Rehiyon 10, at walong (8) seksyon ng kalsada sa Rehiyon 13.

Sa Region 7, apektado ang dalawang road sections sa Bohol : Jct (LIR) Buenavista-Carmen-Danao-Jetafe Rd, sa bayan ng  Carmen at  Tagbilaran East Road,  Poblacion, sa Alicia Town, dahil sa bumagsak na mga puno.

Sarado rin sa lahat ng sasakyan  ang kalsada sa  Region 10 lalo sa  Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Gingoog City, at Misamis Oriental. These include Jct. SH Aglayan – Alanib – Ticalaan Road (Aglayan – Basak),  section s aBarangay Lirongan, Talakag, Bukidnon dahil sa gumuhong lupa; Butuan City-Cagayan de Oro City-Iligan City Road, sa  Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City dahil sa pagbaha.

Saradao rin dahil sa pagguho ng lupa ang kalsad sa Sta. Felomina -Bonbonon – Digkilaan – Rogongon Road sa  Barangay Digkilaan, Iligan City ; Gingoog – Claveria – Villanueva (S00569MN) Road, at  ang road section sa  Brgy. Samay, Gingoog City dahil sa  landslide; at  Gingoog – Claveria – Villanueva, , Brgy. Aposkahoy, Claveria, sa Misamis Oriental dahil sa  soil collapse.

Walo naman ang apektdaong kalsada sa Region 13 sa Agusan del Norte, Dinagat Islands, at Surigao del Sur:

Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect),  Brgy. Mabini in Cabadbaran City; Butuan City-Malaybalay Rd hanggang   Brgy. San Mateo, Butuan City; Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect), , Brgy. De Oro, Butuan City; Mayor Democrito D. Plaza II Ave, hanggang Brgy Mahay, Butuan City; Pianing Bridge Butuan City-Pianing-Tandag Rd.  Brgy. Pianing, Butuan City; Butuan City-Pianing-Tandag Rd. hanggang  Brgy. Anticala, Butuan City; Dinagat-Loreto Road ,  Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands sa Brgy. Nurcia, Lanuza, Surigao.

Limitado naman ang maaring dumaan sa Corrales Extension St. – Port Road  section sa Puntod, Cagayan de Oro City kung saan malalaking sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa baha, gayundin ang Dinagat-Loreto Road, Diegas, (Basilisa) Rizal, at  Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands ay passable para sa light vehicles dahil sa bumagsak na puno; Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect), , Bgry. Poblacion, R.T. Romualdez, Agusan del Norte at Daang Maharlika (Agusan-Davao Sect),  San Vicente, Sibagat, Agusan del Sur ay baha ngunit maaring madaanan ng malalaking sasakyan.

Ang mga Quick Response Team ng DPWH ay mahigpit na binabantayan at nagtatrabaho sa paglilinis ng mga natitirang saradong kalsada at nakikipag-ugnayan sa   mga kinauukulang local government units.

May kabuuang 13 kalsada ang nalinis at muling binuksan kahapon, Huwebes, Disyembre 16, 2021.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.