WORLD COVID: S. Korea naghigpit sa mga pagtitipon; UK nagbabala laban sa Christmas parties
Spread the news on:

Patuloy ang pagtutok ng global health experts sa Omicron bilang variant of concern.

Sa South Korea, muling maghihigpit sa mga pagtitipon. Nilimitahan sa apat ang maaaring dumalo sa pribadong pagtitipon bunsod ng surge sa COVID-19 infections.

Ibabalik ang 9pm curfew sa restaurants at cafes mula December 18 hanggang January 2.

Sa UK, nagbabala ang gobyerno sa pagdalo sa mga Christmas party sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases.

“Think carefully before you go,” paalala ni Prime Minister Boris Johnson.

Babala ng UK chief medical officer, huwag nang makihalubilo sa ibang tao kung hindi naman kinakailangan.

Umabot sa record level ang COVID cases sa UK na pumalo sa 78,610 na bagong kaso nitong Miyerkules.

Sa US, nababahala na ang health professionals sa healthcare crisis sa bansa lalo’t umabot na sa 800,000 ang nasawi sa COVID-19 sa Amerika.

Dumadaing na ang medical workers sa mga emergency rooms at intensive care units dahil sa sobrang daming pasyente.

Sa South Africa, iniulat ang pinakamataas na bilang ng kaso nito ring Miyerkules na umabot sa 26,976 infections at 54 na namatay.

Naghigpit naman sa visitor arrivals ang Italy para sa mga taong galing sa European Union. Required ang COVID test para sa lahat at limang araw na quarantine sa mga hindi vaccinated.

Pinalawig naman ang paghihigpit sa Ukraine hanggang March 31, 2022 dahil sa mababang antas ng vaccination.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.