Cayetano at Romualdez, “pinakamagastos” ng kongresista sa 2020 base sa COA report
Spread the news on:

Sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez ang tinanghal na pinakamaraming nagastos sa 300 miyembro ng House of Representatives noong 2020, ayon sa Commission on Audit (COA).

Sa datos ng COA, gumasta sina Cayetano ng nasa P34,073,427.91 habang si Leyte Rep. Romualdez ay gumastos ng P31,789,761.90.

Para sa nasabing taon, umabot ang gastos ng ilang congressional offices sa P7,942,637,984.19 na binubuo ng disbursements ng sweldo ng congressman at kanilang office staff, supplies, local at foreign travel at public affairs funds.

Inilabas din ng COA ang computed Senate expenditures na pumalo sa P2,255,982,995.84.

Ang opisina ni Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Marie Cardema ay gumasta ng P3,514578.18 na siyang pinakamababa sa mga kongresista.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.