2022 budget, lusot na sa bicam; DOH, dinagdagan ang pondo
Spread the news on:

(Photo courtesy: Office of Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara)

Aprub na sa bicameral conference committee ang panukalang 2022 natiomal budget na nagkahahalaga ng higit P5 trilyong piso.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman senator Sonny Angara, ilan sa mga mahahalagang ipinunto sa  inaprubahang budget ng bicam report ay ang amendment na ginawa sa budget ng Dept. of Health, budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC at budget ng Dept. of Labor, Dept. of Education at budget ng State Universities and Colleges.

Ayon kay senator Angara, dinagdagan nila ng P20 hanggang P30 bilyong piso ang budget ng DOH para sa vaccine, booster, testing, special risk allowance ng mga health worker at iba pang programa na naglalayong mapahusay ang Covid-19 response ng bansa.

Samantala, ibinalik sa level ng budget ngayong 2021 ang budget ng NTF ELCAC kung saan ginawa itong P16.5 billion.

Matatandaang sa senate version ay ginawa lang itong P10.5 billion pero pagdating sa bicam kung saan isa ito sa pinagtalunan ay nagkasundo na itaas ito at gawing P16.5 billion.

Pagdating sa bakuna, sinabi ni Angara na 45 to 50 billion pesos ang inilaang pondo sa ilalim ng program at unprogram Target.

Raratipikahan ang bicam report sa sesyon ng senado at kamara ngayong hapon at pagkatapos agad itong i-iimprenta para maipadala sa tanggapan ng pangulo para mapirmahan bago mag-Pasko.

(Estrella Bueno)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.