Sen. Sotto: Petisyon na ipagpaliban ang 2022 elections, unconstitutional
Spread the news on:

“Unconstitutional.”

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa petisyon ng Coalition for Life and Democracy na ipagpaliban sa 2025 ang nakatakdang eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Sotto magkakaroon ng vacuum sa gobyerno kapag ipinagpaliban ang halalan.

Wala aniyang probisyon sa konstitusyon na nagpapahintulot sa holdover capacity para sa national officials maliban sa 12 miyembro ng senado.

Pinayuhan naman ni Senator Panfilo Lacson ang petitioner na magbasa ng konstitusyon.

Iginiit naman ni Senator Joel Villanueva na nakasaad sa saligang batas ang karapatang bumoto ng publiko.

Hindi aniya maaaring gamiting dahilan ang pandemya para ipagkait ang naturang karapatan.

Dagdag ng senador, ang ibang bansa tulad ng Peru ay nakapagdaos ng eleksyon sa panahon ng pandemya kaya dapat magawa rin ito sa bansa.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.