Pang. Rodrigo Duterte, umatras na rin sa kanyang kandidatura sa pagkasenador
Spread the news on:

(Photo ourtesy: PTV FB)

Umatras na rin sa senatorial race si Pangulong Rodrigo Duterte  sa darating na 2022 elections.

Nagtungo ang pangulo sa Comelec ngayong Martes ng hapon, Dec. 14, para i-withdraw ang kanyang certificate of candidacy.

Kasama ng kanyang Presidential Security Group (PSG) ay personal na dumating sa Comelec Intramuros ang Pangulo upang i-atras ang kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Hindi naman na nakuhang mainteview ang pangulo ng mga media dahil agad din itong umalis sa tanggapan ng Comelec.

Nauna rito, inilabas naman ng tandem nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ang senatorial slate kung saan kasama si Duterte.

Kaninang umaga naman, pormal na ring nag-withdraw si Senator Bong Go sa kanyang kandidatura pagkapangulo.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.