Ang Probinsyano Party List, nakuha ang number 50 Slot sa Official Ballot
Spread the news on:

Nai-raffle na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang pagkakasunod-sunod ng party-list groups sa mga balota sa Halalan 2022.

Nakuha ng Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan (Kamalayan) ang pinakaunang pwesto.

Nakuha naman ng Ang Probinsyano Party List ang number 50 para sa  2022 official ballot.

“This is a good number,” ayon kay Ang Probinsyano Party List Representative Alfred Delos Santos.

“Masaya po ang Ang Probinsyano Party List dahil pinagpala tayong makakuha ng numerong madaling tandaan.  Noong nakaraang eleksyon, nasa Top 5 Party List po tayo, na nakuha ng pinakamaraming boto.  Ngayong darating na eleksyon, umaasa po ang Ang Probinsyano Party List na makapasok muli sa Top 5.  The number 50 is a significant number and mentioned so many times in the bible.  Even in numerology, number 50 symbolizes master of change.  So, #50 on the 2022 ballot is a positive sign for the Ang Probinsyano Party List”.

Ayon pa kay Delos Santos, sa kabila ng kanyang pagiging baguhan sa 18th Congress ay naging tapat at totoo naman ang Ang Probinsyano Party List sa mandato nito–ang maglingkod sa mga kapwa probinsyano.

Sabi pa ni Rep. delos Santos, nakatulong ang Ang Probinsyano Party List na maisakatuparan ang mga infrastructure project sa mga liblib na lugar.

Namahagi rin ng tulong ang Ang Pribinsyano Party List, mapa-ayuda man na pera, medikal, educational at maging pangkabuhayan.

Ang Ang Probinsyano Party List din ang unang grupo sa kongreso na nag-file ng resolution para imbestigahan ang Special Risk Allowance ng Health Workers.

“Hindi po nasayang ang boto niyo.  Marami pong nagawa ang Ang Probinsyano Party List, lalung-lalo na po sa mga ka-probinsyano!”  ayon pa kay Representative Delos Santos.

Kasali sa naturang raffle ang 166 party-list groups.

(NP/ Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.