Motorcade at caravan ng mga kakandidato sa NCR, hinigpitan ng MMDA
Spread the news on:

(Photo courtesy: Bongbong Marcos FB/Motorcade ng Bongbong-Sara tandem sa QC noonng December 8, na nagdulot ng matinding trapik sa syudad.)

Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga alituntunin para sa mga partido at organisasyon na magsasagawa ng motorcades at caravans sa National Capital Region.

Narito ang mga alituntunin batay sa dokumentong inilabas ng ahensya nitong Sabado:

“The MMDA shall regulate, evaluate, and issue permits for motorcades and/or caravans in the major thoroughfares of the NCR. The concerned local government units, meanwhile, will be in charge for such activities in all other roads.

 “Motorcades and/or caravans shall only be permitted during weekends and holidays between 5 a.m. to 10 a.m.

 “Organizers of these events would need to apply for a Roadway Private Utilization Permit (RPUP) with the MMDA and/or the concerned LGUs. They should state in their applications the name of the event, organizations involved, date, time, route, estimated number of motor vehicles, program of activities, and other relevant details.

 “Organizers of the motorcades and/or caravans shall comply with relevant laws as well as guidelines set by the country’s pandemic task force.”

Nauna nang pumalag ang ilang netizens ngayong linggo sa motorcade ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Quezon City na ayon sa kanila ay sanhi ng mabigat na trapiko sa lugar.

Dagdag pa ng city government, wala umanong koordinasyon sa pagitan ng organizers at ng mga opisyal bago isagawa ang naturang motorcade.

Humingi naman ng pasensya ang kampo ni Marcos ukol sa pangyayari.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.