Paring Pinoy, ginawaran ng Human Rights Tulip Award ng Dutch Embassy
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Netherlands Embassy)

Ginawaran ng pagkilala ang Pilipinong pari na si Fr. Flaviano Villanueva ng Society of Divine Word (SVD).

Binigyan ng Human Rights Tulip award si Fr. Villanueva ng Dutch Embassy nitong nakaraang November 24, 2021, ang kauna-unahang Filipino na nabigyan ng nasabing  award.

Ginawaran siya ng nasabing parangal bilang pagkilala sa kanyang nagawang pagtulong sa mga biktima ng war on drugs ng Duterte administration, pati na rin sa kanyang relief efforts sa pagpapakain ng mga street dweller sa Maynila at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga kaanak ng biktima.

Si Fr. Villanueva, o Fr. Flavie, ay kilalang kritiko ng Duterte administration at sumusuporta sa mga pamilya ng biktima ng drug war.

Siya rin ang co-founder ng PAGHILOM program, isang church-based support group na tumutulong sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa.

Kabilang si Fr. Flavie sa 12 nominado sa buong mundo.

“The Human Rights Tulip is an annual award of the Dutch government to support human rights defenders in their work advancing and protecting human rights around the world while highlighting related issues,” sabi ni Ambassador Saskia de Land ng the Netherlands.

Ang The Netherlands ay masugid na taga-suporta ng human rights defenders para sila ay mas maging epektibo sa kanilang adbokasiya.

“Human rights defenders stand up for vulnerable groups, expose human rights violations and demand justice. Human rights defenders often work under difficult circumstances, receive death threats and are jailed, tortured and sometimes even killed,” dagdag pa ng ambassador.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.