Pilipinas, nakapagtala ng 665 na Covid-19 cases; pinakamababa sa nakalipas na 16 na buwan
Spread the news on:

Nakapagtala ang Pilipinas nang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa nakalipas na labing-anim na buwan.

Ayon sa Department of Health, nagtala ito ng 665 na panibagong kaso ng Covid-19, ang pinakamabang kaso simula noong June 2020.

Ang kaso ngayong araw ang siyang pinaka mababa na mula noong June 28, 2020 kung saan nagtala ang bansa ng 642 cases.

Pinakamababa rin ang bilang ng active infections na naitala ngayong araw simula naman noong June 7, 2020.

Mayroon namang naitalang 993 na gumaling at 141 na pumanaw ngayong araw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (16,289) ang aktibong kaso, 97.7% (2,767,585) na ang gumaling, at 1.71% (48,501) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong November 27, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Ngayong araw, nagsimula na ang 3-day national vaccination days para sa mga hindi pa bakunado, magpapa-booster o di naman kaya ay edad 12-17.

Hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na ang maraming Pilipino sa gitna ng banta ng panibagong Covid-19 variant na Omicron.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.