Pharmally executives na sina Ong at Dargani, ipinalipat ng senado na sa Pasay City Jail
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Senate PRIB)

Sumailalim muna sa medical check-up at antigen test para sa Covid-19 ang mga Pharmally Pharmaceutical Corporation executives na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.

Ginawa ng Senado ang pagpapa-test sa dalawa bago sila ilipat sa Pasay City Jail ngayong Lunes, November 29, 2021.

Matatandaang iniutos ng Senate Blue Ribbon Committee ang pag-transfer kina Ong at Dargani sa Pasay City Jail matapos nilang hindi maibigay ang mga dokumentong hinihingi ng senado para sa imbestigasyon sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga Covid-19 personal protective equipment at ibang medical supplies.

Sa commitment order na pinirmahan noong Sabado, November 27 nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Richard Gordon, Blue Ribbon Committee chairman, sina Ong at Dargani ay mananatili sa kulungan hangga’t hindi nila nasasagot nang maayos ang mga tanong sa kanila at naibibigay ang mga dokumentong hinihingi sa kanila ng komite.

Samantala, sa isang official statement naman ni Sen. Gordon, sinabi niya na ginawa nila ang paglilipat kina Ong at Dargani matapos na hindi sila makipag-cooperate sa senado at OSAA o Office of Sergeant at Arms ang dalawa.

Nakatakdang samahan ng OSAA si Dargani sa tatlong lokasyon para kunin umano ang mga dokumentong kailangan ng senado pero hindi na rin ito natuloy.

“Mr. Dargani’s and Mr. Linconn’s continuous lying, continuous refusal to answer questions truthfully and forthrightly, and the constant “palusot” have crossed the line. The Senate in preserving and protecting the institution has decided to transfer them to the Pasay City jail,” sabi pa ni Gordon.

Ayon pa kay Gordon, nakaaapekto na rin kasi ang presensiya nila sa iba pang tungkulin ng OSAA ng senado.

“Their continuing presence in the Senate premises also had put a strain to an overstretched OSAA, whose primary function is to protect the Senate building, secure the people coming in and out, especially the employees, and because of the pandemic, making sure that those who enter the building are free from the virus that has caused many lives both in and out of Senate premises.”

Sina Linconn at Ong ay na-cite in contempt ng senado dahil na rin sa umano’y hindi pagsasabi ng totoo tungkol sa overpriced na Covid-19 supplies at dahil sa favoritism na na nakuha nila mula sa gobyerno.

“If we do not go into the bottom of this scandal, we will not be able to hold accountable those responsible; and, the repetition of such a dastardly deed becomes a high probability still,” sabi pa ni Gordon.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.