P1M pwedeng maiuwi ng bakunado, ayon sa Malakanyang
Spread the news on:

Protektado ka na, pwede ka pang maging milyonaryo!

‘Yan ay kung magpapabakuna ka!

May tsansa kasing manalo ang mga bakunado laban sa Covid-19 nang hanggang sa isang milyong piso, ayon sa Malakanyang.

Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos na inanunsiyo kamakailan ang pagkakapanalo ng tig-P5,000 bawat isa ng 50 mga bakunadong sumali sa “Bakunado Panalo.”

Giit ni Nograles, may tsansa pang manalo ang iba dahil mamimigay pa ang gobyerno ng P1M grand prize.

Pipili rin ng sampung masuwerteng bakunado na manalo ng P10,000.

Sa kasalukuyan ay under validation ang November draw at magkakaroon aniya sila ng anunsiyo ng mga nanalo sa buwang ito.

Sa dagdag na detalye, maaaring pumunta sa DOH Facebook page upang malaman kung paano ang pagsali at manalo ng P1 milyon at P500,000.

Ayon pa kay Nograles, pwede pang sumali sa pakontest hanggang December 15.

“Sumali na sa grand draw, puwede ka pang mag-register hanggang December 15. Tandaan, maaari kang manalo ng isang milyong piso para sa grand prize; kalahating milyong piso para sa second grand prize at sampu ang pipiliin para manalo ng one hundred thousand pesos. Pumunta lamang po sa DOH Facebook page para sa karagdagang detalye,” dagdag ni Nograles.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.