Number coding scheme para sa mga pribadong sasakyan, ibabalik na sa NCR ngayong lingo
Spread the news on:

(File)

Ibabalik na ang ang number coding scheme ngayong linggo para sa mga pribadong sasakyan lamang, ayon sa Metro Manila Developmemt Authority.

Sumang-ayon ang mayorya ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na ibalik ang number coding scheme tuwing afternoon rush hour mula alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ipatutupad ang number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes.

“The number coding scheme will be implemented any day this week during rush hour in the afternoon,” pahayag ni Abalos.

Hindi kabilang ang public utility vehicles (PUVs), Transportation Network Vehicle Services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, motor vehicles carrying essential at perishable goods.

Ang TNVS vehicles ay makatatanggap ng stickers dahil maaari itong mapagkamalang private vehicles.

“We (MMDA) are in coordination with the TNVS on the implementation of rules and regulations regarding this concern,” dagdag pa ni Abalos.

Ipatutupad din ang uniform light trucks ban sa EDSA at Shaw Boulevard ngayong linggo.

Base sa ulat, ang aktwal na implementasyon ng number coding ay uumpisahan dalawang araw matapos mailathala ang resolusyon sa Official Gazette bukas, Martes, Nov. 30.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.