Economic frontliners tuturukan na ng booster shot simula Dec. 10
Spread the news on:

(File photo)

Sisimulan na sa Pilipinas ang pagtuturok ng booster shots sa A4 priority group o economic frontliners sa December 10, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

“Mayroon kaming apat na milestone. The first milestone natin is makuha natin ang 54 million before the end of the year and then maybe we will start the booster also this year, more or less mga December 10 baka magsimula na tayo sa A4 lalo na ‘yung nag-elapse na ng more than six months,” pahayag ni Galvez.

Sa ngayon, itinuturok ang booster dose sa A1 hanggang A3 priority groups  na binubuo ng health workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.

“So, ‘yung sa booster natin, ang gagawin natin po, ang ating planning sa boosters is that by end of the year, kailangan matapos na po natin ‘yung healthcare workers at saka ‘yung mga A1 at saka A2, at saka A3 kasi with the coming of the Omicron, we want to make sure na ‘yung ating pinaka-basic at saka focused target natin na A1, A2, and A3, the most vulnerable ay makuha po natin,” dagdag pa ni Galvez.

Umarangkada rin ang unang araw ng national vaccination drive ngayong Lunes, Nov 29 at tatagal hanggang December 1.

Target dito na maiturok ang siyam na milyong COVID-19 vaccine doses.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.