Dagdag na pitong bansa sa Europa, pasok sa Red list ng Pilipinas
Spread the news on:

(File)

May pito pang bansa sa Europa ang idinagdag sa “Red Countries” hanggang sa December 15 dahil sa Omicron Covid-19 variant, ayon sa Malakanyang.

Ibig sabihin nito, ang mga biyaherong nanggaling sa Red list ay hindi maaaring pumasok sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nadagdag sa Red Countries o Red List ay ang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.

Nauna nang napasama sa Red list ang mga bansa sa southern Africa na South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.

Sa isang pahayag, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi papayagan ang inbound international travel ng isa man sa kabilang sa red list countries sa loob ng 14 na araw bago pa ang pagdating sa bansa kahit ano pa man ang vaccination status nito.

“Only Filipinos returning to the country via government-initiated or non-government-initiated repatriation and Bayanihan Flights may be allowed entry subject to the prevailing entry, testing, and quarantine protocols for Red List countries, jurisdictions, or territories,” paliwanag pa niya.

“Passengers who are already in transit coming from the red list countries within 14 days prior to their arrival in the Philippines are exempted from this restriction. Upon their arrival in the country, they are required to undergo facility-based quarantine for 14 days, with testing on the 7th day.  Passengers who merely transited through the red list countries will also not be deemed coming from the said country if they just stayed in the airport and were not cleared for entry by the immigration authorities,” dagdag pa ni Nograles.

Sa kabilang dako, inaprubahan din aniya ng IATF ang temporary suspension ng IATF Resolution No. 150-A series of 2021, kung saan ay pinapayagan ang mga fully vaccinated nationals ng non-visa required countries na bumisita sa Green List countries, territories o jurisdictions para sa 14 araw.

Nilinaw naman  ng National Task Force Against Covid-19 na hindi pa kasama ang HongKong sa may travel ban sa Pilipinas.

Ayon sa palasyo, kinakailangan pa ring  mag-comply ng mga pasahero mula HongKong sa testing at quarantine protocols para sa Yellow list countries kaya papayagan pa rin ang inbound flight mula sa naturang bansa.

Samantala, ang Regional Epidemiology and Surveillance Units naman ang mangangasiwa sa target na selection of samples para sa sequencing at pagtugon sa bumababang submission ng laboratories at regions mula sa domestic at international travelers.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.