Comelec: 10-15 botante lamang ang papayagan sa loob ng polling precinct
Spread the news on:

(File)

Lilimitahan lamang sa 10 hanggang 15 tao ang bilang botante sa loob ng polling precinct sa itatakdang oras para sa halalan sa Mayo 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isinagawang forum na inorganisa ng National Citizens Movement for Free Elections o Namfrel, iprinisinta ni Comelec Director Teopisto Elnas Jr.  ang COVID-19 preventive measures na ipatutupad sa halalan.

Gayunman, ang nasabing bilang aniya ay nakadepende pa rin sa laki ng polling precinct.

Kailangan aniya masunod ang minimum social distancing sa loob ng polling places bukod pa sa tremperature checks na ipatutupad din sa entrance o bago pumasok ng precinct.

“There are voting places natin na malaki at magba-vary ito, at least ang guidance is the minimum social distancing requirement mako-comply strictly within the classroom or polling place,” pahayag ni Elnas.

Tutulong naman ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkontrol sa dami ng tao sa panahon ng eleksyon upang masiguro na nasusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga botante sa mga polling precinct sa sandaling magsimula na ang pagbubukas ng botohan sa umaga kung saan sisimulan ito ng alas 6 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi .

Samantala, tuloy ang pagdaraos ng mock elections ngayong taon para sa May 2022 elections.

Ayon sa Comelec, ang pondo sa mock elections para ngayong taon ay hindi nakapaloob ang naturang pondo para sa 2022 National Expenditurte Program.

Nakatakda aniyang isagawa ang mock elections sa Dec.29,2021  sa ilang tukoy na lugar sa bansa kasama ang National capital region (NCR) particular sa Pasay City at Taguig, kabilang din ang ilang mga lugar sa Luzon tulad ng Albay at Isabela.

Isasagawa rin ang mock elections sa Visayas particular sa Leyte at Negros Oriental habang sa Davao del Sur at Maguindanao naman sa Minadano region.

Sa gagawing mock elections, target ng Comelec na  makahikayat ng mas maraming actual registered voters .

Una nang nagsagawa ng mock elections sa San Juan nitong October na may 485 na participants. participans.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.