Canada, nangangailangan ng cook, nurses at mall santa dahil sa labor shortage
Spread the news on:

(Photo courtesy: immigration.ca)

Nangagailangan ang Canada ng mga trabahador dahil sa nararanasang labor shortage doon.

Ilan sa mga trabahong kailangan ay cook, nurses at mall Santas.

Sa Ottawa, nagpaskil ng “Help Wanted” notice ang Corazon de Maiz restaurant dahil tumaas ang bilang ng mga customers mula nang pagaangin ang public health restrictions na ipinatupad para pababain ang pagkalat ng coronavirus.

Pero, dahil sa kakulangan ng kitchen staff hindi natutugunan ang demand ng mga customer na nagtutungo sa lugar.

“We’re suddenly busier, but we’re having to close early because my wife and I are exhausted after working all day,” pahayag ni Eric Igari na may-ari ng restaurant sa panayam ng AFP.

“We’ve asked friends to pitch in, and even a few regular customers offered to help,” dagdag pa ni Igari.

Lumabas sa pag-aaral ng Canadian government at industry associacions na two-thirds ng Canadian businesses ay may kakulangan sa mga trabahador at nalilimitahan ng nasabing kakulangan ang pag-angat ng kanilang negosyo.

Ang mga industriya na lubhang apektado ay ang health care, food services, manufacturing at construction.

Apektado rin ang Santa actors na hina-hire ng mga shopping mall tuwing holiday season para sa pagpapa-picture ng mga bata.

Dahil dito, si Jeff Gilroy ng Just Be Claus ay tinanggihan na ang 200 Santa gigs sa Ontario.

Gayundin ang kanilang health care ay nangangailangan ng nurses dahil karamihan ay burnout na sa kanilang trabaho sa ngayon.

Base sa ulat ng Statistics Canada, umabot sa 1,014,600 ang bakanteng trabaho nitong September kabilang ang 196,100 sa food services at 131,200 sa health care.

Ayon kay Trevin Stratton ng Deloitte Canada, may ilang dahilan kung bakit nagkaroon ng kakulangan sa mga trabahador kabilang dito ang aging population na umaalis sa workforce at pagbaba ng immigration dahil sa travel restrictions sanhi ng pandemiya.

Samantala, ngayong araw lang ay inanunsyo ng probinsya ng Ontario na may dalawa nang kumpirmadong kaso ng bagong COVID-19 omicron variant sa lugar.

Ang nasabing mga kaso ay bumiyahe umano sa Nigeria sa Africa bago pumunta ng Ontario.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.