Canada, may dalawang kumpirmadong kaso na ng COVID-19 omicron variant
Spread the news on:

May dalawang kumpirmadong kaso na ng omicron variant ng coronavirus sa Ontario, Canada, ayon sa provincial health official doon.

Ayon sa pahayag ng Ontario government, ang dalawang kaso ay bumiyahe sa Nigeria bago pumunta ng Canada.

“Today, the province of Ontario has confirmed two cases of the Omicron variant of COVID-19 in Ottawa, both of which were reported in individuals with recent travel from Nigeria. Ottawa Public Health is conducting case and contact management and the patients are in isolation,” saad sa pahayag.

Noong Biyernes, nagpatupad na ng travel restrictions ang Canada sa mga bumiyahe mula sa southern Africa.

Kasunod ito ng pagkaka-detect sa bagong variant na omicron sa South Africa.

Ang nasabing variant ay mayroong multiple mutations and idineklara ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern”.

Gayunman, pinag-aaralan pa ng WHO kung mas madali at mabilis makahawa ang omicron variant ng COVID-19 virus.

Unang nagpatupad ng travel restrictions sa southern African countries ang United Kingdom dahil sa omicron variant.

Sumunod na rin ang ilang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Bukod sa Ontario, Canada, may kumpirmadong mga kaso na rin sa Hong Kong, Australia at The Netherlands.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.